Replektibong Sanaysay: “Ang katuturan ng karanasan at istorya’y di ang pagtanda sa mga pangyayari. Kundi ang pagtatamo ng asal sakanila.”
Habang tayo’y nabubuhay, maraming pagsubok ang maaring dumating at subukin nito ang ating pagkatao . Maramil ang mga karanasang ito ay nag-iiwan sa atin ng lamat na madadala natin habang tayo’y nabubuhay. Ngunit ang mga karanasang ito din ang huhbog satin upang maging isang mabuting tao at magbibigay ng mga makabuluhang aral na siyang magagamit natin sa mga makabuluhang aral na siyang magagamitnatin sa baling araw. Bilang isang kabataan na nasa husto nang edad, hindi ko makakaila na marami ang mga karanasan ang bumugbog ng aking pagkatao upang mag-iwan saakin ng aral at ng maging mas matibay pa ako sa araw-araw. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng isang broken family, maraming hindi magandang karanasan ang iniwan sakin nito ngunit hindi na dapat pa ito pagbigyan ng pansin, bagkus magpatuloy na lamang sa buhay at gawing aral ang mga ganitong karanasan upang hindi na ito maulit kung magkaroon man ako ng sarili kong pamilya sa takdang panahon. Sa bawat sugat na iniwan ng kahapon, hated naman nito ang mga magagandang aral at alaala na magpapaalala kung paano ako nagging iisang mabuti at malakas na tao.😍
Comments
Post a Comment