Akademikong Sanaysay buhay ng Estudyante

Ariba Humanista!
Bilang isang estudyante ng senior high school,maraming mga bagay ang kailangag gawin araw araw. Ano ang gagawin pagdating sa paaralan? Paano makakapasa ng asignatura ngayon hindi ka nakagawa? Ano ang trip ng tropa. Ano ang gagawin sa isang araw na klase? Paano gagawin ang takdang aralin ngayong hindi ka marunong. Ano ang uunahin sa mga gawaing ito? Handa kabang gawin ang tungkulin mo bilang isang estudyante ng SHS?
"College na sana ako kung walang k to 12".
"Haaay, buhay estudyante nga naman". Ito ang minsang hinaing ng isang estudyante sa senior high. Kapansin pansin ang kakaibang lungkot sa mukha habqang nagiisip kung ano ang gagawin para makapasa sa buong semester. Kung paano ipaaraw araw namomoroblema sa gawain itinakda. Hindi alam kung paano  tatapusin ito. Yung nagdadasal na sana magfast forward na ang oras kapag nasa paaralan para matapos na ang araw. Ngunit merong mga estudyante na senior highschool sa kapansin pansin ang kakaibang sigla at maaliwalas na mukha dahil handa silang harapin ang buhay SHS. Dahil ang buhay, hindi ka pwedeng bumitaw at magkibit balikat dahil nasa gitna ka ng yugto ng buhay. Kailangan mong tugunan ang mga tungkuling nakalatag sa iyo. Dapat palagi lang nakahanda sa anumang hamon makakaharap mo dahil wala kang magagawa kundi ikaw mismo ang humanap ng solusyon sa mga problemang iyong ikinahaharap bilang isang SHS. Ikaw na ang kailangang kumilos kung ibig mong magtagumpay sa buhay. Hindi kana bata.Isa kanang mag-aaral sa senior highschool. Buhay SHS. buhay na parang basurahan. Minsan magulo, minsan hindi rin. Buhay SHS ..Buhay na parang may parating na bagyo . Dapat maging handa ka sa buhay na ito. Ito yung buhay na dapat talagang paghandaan kasi itoyung buhayna magiging daan para sa iyong kinabukasan. Bilang isang mag-aaral ng SHS, tila mabigat ito na pasanin ngunit nasa iyo ang pagkakataong maghanda. Ang buhay SHS ay isang hamon na kailangan ng atensyon at paghahandaan. Hindi madali ngunit maraming paraan. Bilang mag-aaral ng SHS may magagawa ka dahil handa ka.

Comments