Posisyong Papel: Kalamidad ay paghahandaan para sa ligtas na mamamayan

Ang kalamidad ay isang di inaasahang pangyayari na sanhi ng mga proseso sa kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak at panganib sa mga tinatamaan nito. Lalo pang magiging malala ang epekto ng kalamidad kung hindi handa ang mga taong tatamaan nito. Kung kaya nararapat lang magkaroon ng departamento na nakatuon sa pagiging handa ng mga mamamayan sa kung ano mang kalamidad ang darating. Ayon sa survey isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya ang nakakaranas ng matinding pinsala ng kalamidad dahil na din sa kapabayaan at hindi pagiging handa. Dahil ditto, maraming mga buhay ang nasayang dahil marami ang nasasawi sa kapabayaan tuwing may sakuna. Kaya nararapat lamang na magkaroon ng departamento na ang sakop ay kahandaan sa pagkakaroon ng kalamidad. Dahil kung magkaroon man ng  ganoong departamento ay tiyak na masisiayos ang ating mga pag-uugali kung magkaroon man ng kalamidad at magiging handa tayong mga Pilipino sa ano mang pagkakataon.

Comments