Rebyung Pantelebisyon: Journal

“Pahalagahan mo ang buhay sapagkat ito’y napakaganda, at magmahal ka ng todo hanggang sa iyong makakaya”. Isa sa mga aral na nabuo ko sa aking isipan habang pinanonood ang MMK : Journal. Nag-iwan ito saakin ng magagandang aral na madadala ko hanggang sa paglaki at bubuo ng aking pagkatao. Ang mga actor bilang sila Alanis at Hennesey ay napangatawanan naman ang karakter at nagbigay ng hustisya ang kanilang kwento. Maganda itong panoorin ng mga magkasintahan na mayroon din dinaranas na problema at patuloy tuloy na pinipiling magmahal hanggang sa kanilang makakaya. Sobrang natural ng pag-arte ng mga bida sa kwentong ito na siya naming nagpaganda lalo ng kwento. Ang produksyon naman ay nagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin na siya lang lalong naglinaw ng tunay na kahulugan ng kwento.

Comments